Huwebes, Oktubre 30, 2014
undas
isang araw bago sumapit ang undas, lahat ay abala sa paglilinis ng mga puntod ng mga mahal nila sa buhay. isa ding paalala na lahat ay may hangganan. lahat ay lumilisan mapa bata ka man o matanda, hindi natin hawak ang oras kung kailan tayo lilisan. ang mahalaga ay handa tayo sa mga ganitong pagkakataon. at ang mahalaga ay habang buhay pa ipakita sana natin ng buong puso kung paano natin bigyan importansya at pagmamahal ang mga taong hanggang ngayon ay kasama parin natin. sa isang burol ang taong malakas kung umiyak ay ang taong hindi naipamalas ng husto ang pagmamahal sa yumao.
Martes, Oktubre 28, 2014
si babae at lalaki
para sa kaalaman ng mga babae, ang mga lalaki ay hindi natututong magmahal. may mga lalaki na mahal ka sa una ngunit pag nakuha kana nawawalan na siya ng gana kaya para sa mga babae, huwag niyong ibigay ang pagkatao niyo. kaming mga lalaki kung paano niyo nakilala ta minahal kayong mga babae hinding hindi na magbabago iyon kahit na may katagang "matututunan ko din siyang mahalin."
para sa ating mga lalaki irespeto natin ang mga babae regardless kung pangit sila o maganda.
para sa ating mga lalaki irespeto natin ang mga babae regardless kung pangit sila o maganda.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)