Huwebes, Oktubre 30, 2014

undas

isang araw bago sumapit ang undas, lahat ay abala sa paglilinis ng mga puntod ng mga mahal nila sa buhay. isa ding paalala na lahat ay may hangganan. lahat ay lumilisan mapa bata ka man o matanda, hindi natin hawak ang oras kung kailan tayo lilisan. ang mahalaga ay handa tayo sa mga ganitong pagkakataon. at ang mahalaga ay habang buhay pa ipakita sana natin ng buong puso kung paano natin bigyan importansya at pagmamahal ang mga taong hanggang ngayon ay kasama parin natin. sa isang burol ang taong malakas kung umiyak ay ang taong hindi naipamalas ng husto ang pagmamahal sa yumao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento